UNKNOWN LETTER


Dear Mr. Right,
Dalawampu't dalawang taon na ang nakaraan
Patuloy pa rin na ako sa'yo ay nag-aantay
Kailan ba kita makikilala?
Kailan ba kita makakasama?
Huwag naman sana na umabot pa
sa punto na ako ay muling makakakilala pa ng taong mali
na magreresulta sa maling pag-ibig...

Aaminin ko sayo,
sa mga panahong ito
minsan ay nauubusan na ako ng pasensya
Gusto kong madaliin na ikaw ay makilala
Gusto kong sabihin sayo lahat ng nangyayari sa aking buhay
Ngunit sa kabila ng lahat isinasaisip ko pa rin
na hindi pa ito ang tamang panahon
At kung ipipilit ko ang aking sarili sa'yo ay maaaring hindi maging maganda ang kalabasan nito.

Panalangin ko ngayon,
habang hindi pa nagtatagpo ang ating landas
sana ay patuloy kang ingatan at gabayan ng Panginoon
Patuloy ka niyang i-bless sa lahat ng iyong mga ginagawa at gagawin
Patuloy tayong maghanda upang sa 'perfect timing' na ibibigay Niya
pareho na tayong kayang tumayo sa sarili nating mga paa
Napatawad at nakapagpatawad na ng buo sa mga taong naging bahagi ng ating nakaraan
Nagpasalamat at magpapasalamat sa lahat ng kasiyahan at pagmamahal Niya
na patuloy na sa atin ay gumagabay
Sa tamang panahon ay mag-aantay ako
Patuloy at walang sawang magmamahal sayo
-----------------------------------------------------
Other on-sites:
Facebook:           https://www.facebook.com/spotlightellie
Twitter:                https://twitter.com/ellieshana
Blogspot:              http://ellieshana.blogspot.com
Wordpress:            http://ellieshana.wordpress.com

No comments:

Post a Comment