LOVE: "THE DISTANCE" (Oil Based Painting Story)



STORY BEHIND THE PAINTING:

Minsan para maka-cope up tayo sa problema, pinipili nating tumakas.

Nagbabakasakali na kung tatakbuhan natin ito ay

           mas malalagay tayo sa tahimik,

          makakalimutan na lang natin ito,

          at makakapagsimula ng panibago.

Ngunit hindi naman laging ganito lahat di ba?

Kailangan ba lahat tatakbuhan natin? Di ba magandang harapin mo ito?

Pakatatag ka lang. Alam mong anjan ang Diyos para sayo.

Kailangan mo lang makipagcooperate sa Kanya at magtiwala na sa pamamagitan Niya magagawa mo lahat. Lahat ay posible kung pagkakatiwala mo sa Kanya ang buhay mo.

Oo, minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na akala natin hindi na natin makakayanang bumangon.

Pero tiwala lang kaibigan, Kaya yan lahat. Puso lang at buong pagtitiwala sa Diyos.

Distansya? Oo kakailanganin natin to: sa problema, sa mga taong nakapaligid sa atin, sa mga nangyayari sa atin, ngunit hinding hindi sa Diyos.

Dahil kung sa kanya ka didistansya magiging isa kang bangkang walang patutunguhan at sasabay na lang sa agos ng mundong ito.


John 14:1


"Do not let your hearts be troubled. You believe in God; believe also in me."


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Feel free to share stories! Comment yours below. :-)

Other on-sites:
Facebook:           https://www.facebook.com/spotlightellie
Twitter:               https://twitter.com/ellieshana
Blogsite:              http://ellieshana.blogspot.com